Iba pang regional wage boards, inaasahang makapaglalabas na rin ng wage order para sa umento sa sahod sa susunod na linggo

Nasa deliberasyon na ang karamihan sa regional wage boards sa bansa para sa hiling na umento sa sweldo.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Ma. Criselda Sy, Executive Director ng National Wages and Productivity Commission na sa katunayan kaunti na lamang sa mga regional wage boards ang nasa huling yugto ng public hearing.

Ang naiiwan na lamang na hindi pa nakatatapos ng public hearing ay para sa domestic workers sa National Capital Region (NCR) dahil pag-uusapan pa ito sa susunod na linggo.


Ashan na ani Sy sa mga susunod na araw at linggo ay mag-aanunsyo na rin ang mga regional wage boards ng aprubadong halaga ng umento sa sweldo sa kanilang mga nasasakupan.

Samantala, dumalo naman kanina si Pangulong Rodrigo Duterte sa launching ng digital innovation and modernization ng Philippine Postal Corporation (PhilPost).

Dito ipinakita ang mabilis na pagkuha ng PhilPost ID kung saan isa sa mga nabigyan ng bagong PhilPost ID ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa pangulo, napapanahon ang modernisasyong ito ng PhilPost upang mas maging mabilis ang delivery ng mga liham, payment services, goods at merchandise na makikipagsabayan sa makabagong panahon.

Facebook Comments