Pangulo ng Singapore, nagpahatid na rin ng pagbati kay presumptive President Bongbong Marcos

105

Nagpahatid na rin pagbati ang lider ng Singapore na si Halimah Yacob kay presumptive President Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang liham, iniimbitahan ni Yacob si Marcos na bumisita sa kanilang bansa.

Aniya, nais niyang tumbasan ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga Pilipino nang magkaroon siya ng state visit sa Pilipinas noong 2019.


Sinabi ni Yacob na umaasa siya na magkaroon ng mas matatag pang-ugnayan ang Singapore at Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Marcos.

Facebook Comments