Pinasisimulan ni Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go sa pamahalaan na iprayoridad ang pangkalahatang kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino.
Kaugnay na rin ito ng kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Health (DOH) na tutukan ang iba pang health concerns ng publiko kabilang na rito ang paglaban sa human immunodeficiency virus infections (HIV) at tuberculosis.
Ikinalugod naman ni Go ang direktiba ng pangulo sa DOH na bigyang pansin din ang ibang mga sakit habang lumalaban tayo sa COVID-19.
Bunsod nito ay pinauumpisahan na rin ng senador sa gobyerno ang pagtutok sa general public health kung saan pinatitiyak ang kahandaan ng bansa sa iba pang potensyal na banta sa kalusugan.
Pinakikilos din ni Go ang pamahalaan na gumawa ng mga hakbang upang maagapan at maprotektahan ang publiko sa iba pang mga sakit.