Panukalang Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team, lusot na sa House Committee Level

Inaprubahan ng House Committee on Health pinamumunuan ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr., ang House Bill 6518 o panukalang Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team o HEART Act.

Base sa panukala, ang HEART ay lilikhain sa ilalim ng Department of Health (DOH) at maaaring tawagin upang tumulong sa gobyerno.

Ito ay sa panahon ng state of calamity, state of public health emergency at iba pang banta sa kalusugan ng publiko.


Bubuuin ito ng mga lisensyadong doktor, medical student na nakatapos ng apat na taong kurso, mga nagtapos sa medisina, rehistradong nurse, at licensed allied health professionals.

Nakapaloob sa panukala ang pagkakaroon din ng HEART Board upang bumalangkas ng mga polisiya, patakaran at mamamahala dito.

Facebook Comments