LINGAYEN, PANGASINAN – Maliban sa COVID-19 nakitaan na rin ngayon ng pagtaas ng kaso ng mga sakit na nakukuha sa malamig na panahon ngayon sa Pangasinan.
Ayon kay Dra. Anna Maria Teresa De Guzman, PHO Officer, patuloy na nararanasan ng probinsiya ang malamig na panahon na nagdudulot ng respiratory tract infection o trangkaso, ubo at sipon.
Liban dito nakikitaan din ng pagtaas ng kaso ang asthma at sakit sa baga.
Dagdag ni De Guzman,ilan sa kanilang binibigyan ng pansin ngayon ay ang kaso ng dengue at gastroenteritis dahil may mga lugar na nakakaranas ng pag-uulan.
Ilan lamang aniya ito sa mga sakit na kailangang asikasuhin hindi lamang ang COVID-19. | ifmnews
Facebook Comments