LAOAC, TANGING BAYAN NA WALANG AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA PANGASINAN

49

Tanging bayan lamang ng Laoac sa Pangasinan ang nanatiling walang aktibong kaso ng COVID-19 sa kabila ng pagtaas ng kaso ng sakit sa probinsiya.

Batay sa datos ng Provincial Health Office mula sa 44 na bayan, ang Laoac ay zero covid-19 cases.

Ang apat na siyudad sa probinsiya naman ay kabilang sa watchlist ng PHO.

Nangunguna ang bayan ng Lingayen sa may pinakamataas na aktibong kaso na 177.

Sinusundan ito ng Calasiao na mayroong 163 na apektado ng sakit at ikatlo ang lungsod ng Urdaneta na nakapagtala ng 132 na kaso.

Samantala sa bayan ng Laoac, isinasagawa ang pagbibigay ng first dose, second dose at booster sa araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes. | ifmnews



Facebook Comments