Sa gitna ng kinaharap na krisis ng Bayan ni Juan laban sa COVID-19. Nanawagan ngayon ng tulong ang ibat-ibang hospital sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng medical supplies gayundin ang Personal Protective Equipment (PPE).
Ang PPE ang kumpletong kasuotan ng mga medical workers na nangangalaga sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
At dahil nagkakaubusan ng suplay wala ng magamit ang ating mga health workers na pangunahing humaharap sa panganib ng COVID-19.
Narito ang listahan ng mga gamit na kailangan ng ating mga frontliners:
PPEs suit
N95 mask
Disposable surgical mask
Earloop
Face shield
Goggles
70% alcohol
Disposable surgical gown
Haircap
Liquid hand soap
Shoe cover
At decontamination chamber
Kabilang sa mga ospital na nanawagan ng tulong donasyon ang:
Philippine General Hospital
Lung Center of the Philippines
Philippine Heart Center
Cardinal Santos Medical Center
San Juan Medical Center
The Medical City
UERM
Manila Doctors Hospital
Philippine Orthopedic Center
St. Luke’s Global
East Avenue Medical Center
Sta. Ana Hospital
Dr Jose Fabella Memorial Hospital
Saint Pascal De Baylon Hospital (Batangas)
Ortigas Hospital and Healthcare Center
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
at Philippine Orthopedic Center
Bukod sa medical supplies, ilang ospital din ang humihingi ng iba pang donasyon gaya ng non-perishable food items, toiletries at folding mattress.
Sa mga gustong magpaabot ng tulong maari ninyong bisitahin ang aming website:RMN.ph
Facebook page: RMN DZXL 558 Manila at RMN Foundation, Inc. para sa karagdagang detalye.
Iba-t ibang hospital sa Metro Manila, nanawagan ng tulong sa kakulangan ng medical supplies, DZXL-RMN Manila, bukas sa mga gustong magpaabot ng ayuda!
Facebook Comments