IBABALIK NA | Heart relic ni Padre Pio, iuuwi na sa Italya anumang oras

Iba-biyahe na pabalik sa san Giovanni de Rotondo, Italy ang heart relic ni Padre Pio.

Pero bago ito, alas-9:00 kaninang umaga nagkaroon muna ng farewell mass sa National Shrine of Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas na sinundan ng farewell liturgy at motorcade patungo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pagkarating sa paliparan, nagsagawa rin mula ng maikling seremonya.


Ilang kawani rin ng Manila International Airport Authority at mga pribadong indibidwal ang pumila sa tapat ng gate 15 ng naia terminal 1 para makita sa huling pagkakataon ang ‘Incorrupt Heart’ relic ni Padre Pio.

Sa loob ng 21 araw, umikot sa iba’t ibang lugar sa buong bansa ang naturang heart relic.

Ang Pilipinas ang ikaapat na bansang binisita ng heart relic ni Padre Pio na kilala sa stigmata o mga sugat sa kaniyang kamay na hawig sa mga sugat ni Kristo.

Facebook Comments