Ibang mga rehiyon sa bansa, pinag-dodoble time ng Palasyo sa pagtuturok ng bakuna

Pinag-dodoble kayod ng Palasyo ang iba’t ibang mga Local Government Unit (LGU) sa bansa at dapat samantalahin habang may pagkakataon pa sa pagbabakuna hanggat hindi pa tuluyang kumakalat ang Omicron variant sa bansa.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles kung marami kasi ang mababakunahan, malaking bagay ito upang maiwasan ang pagkapuno ng mga ospital.

Inihalimbawa rito ang sitwasyon dito sa Metro Manila kung saan kahit may pagtaas ng kaso ay hindi naman ganoon kabilis mapuno ang mga ospital dahil pawang mild at moderate lamang ang mga kaso.


Malaking bagay rin ito dahil nasa 90 to 100 % na ang mga bakunado sa National Capital Region (NCR).

Kaya naman paulit ulit na panawagan ng Palasyo sa ibang mga rehiyon na hindi pa ramdam ang bagsik ng Omicron, mag-doble kayod para maprotektahan ang kanilang nasasakupan.

Facebook Comments