Ibang mga tanggapan ni Peter LIm sa Cebu padadalhan ng subpoena ng DOJ

92

Gustong maniguro ng Criminal Investigation and Detection Group-7 na makakarating sa negosyante na si Peter Lim ang kopya ng subpoena para sa pagdalo nito sa imbistigasyo ng Department of Justice .
Ayun sa hepe ng CIDG-7 na si Supt.Royinda Garma ,matapos ipadala sa bahay ni Lim ang subpoena kahapon , ang susunod na padadalhan ay ang ibat-ibang opisina ng negosyante sa Cebu .
Nais na matiyak ng CIDG-7 na makakadalo si Lim sa imbistigasyon sa inihaing reklamo laban sa kaniya ngayong Agusto 14 at Agusto 17 sa alas 10:00 ng umaga .
Maliban sa subpoena para kay Lim nakatanggap din ang CIDG ng subpoena para sa ibang mga suspected drug personalities sa Cebu .

Facebook Comments