Joma Sison, isang sinungaling, manloloko at kriminal – AFP Chief of Staff General Año

Manila, Philippines – Tahasang tinawag ng liderato ng Armed Forces na sinungaling, manloloko at kriminal si CPP NPA NDF founder Joma Sison.

Ito ay matapos pabulaanan ni Sison na may nakukuhang siyang porsyento mula sa kinokolektang revolutionary tax ng NPA mula sa mga negosyante.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, inasahan na nilang itatanggi ito ni Sison.


Mas magugulat aniya sila kung aamin si Sison na napupunta sa kanya ang malaking bahagi ng pangongotong ng NPA lalo’t walang money o paper trail na direktang mag-uugnay kay Sison.

Inakusahan din ni Año si sison na siyang utak nang Plaza Miranda Bombing noong 1971.

Facebook Comments