Manila, Philippines – Pinayuhan ni Albay Rep. Edcel Lagman si Pangulong Duterte na tutukan na ang ibang mga problema sa bansa matapos ang isang taon nitong panunungkulan.
Giit ni Lagman, unti-unting bumaba ang popularity at trust ratings ng Pangulo dahil hindi naman nito natupad na tapusin ang mga problema katulad ng ipinangako nito noong 1st quarter ng kanyang pag-upo sa pwesto.
Paalala ni Lagman, sunod ng tutukan ng Pangulong Duterte ang pangako nitong wawakasan ang contractualization, kahirapan at kagutuman, traffic, pagpapatupad sa 10-point socioeconomic agenda, pagkakaroon ng independent foreign policy at ang pagkakaroon ng pinal na kasunduan para sa kapayapaan.
Sinabi ni Lagman na masyadong naging tutok ang Pangulo sa iligal na droga pero hindi naman lubusang nasugpo ang drugs at krimen sa bansa.
Pero, sinabi pa ni Lagman na kung may mabigat na nagawa ang Presidente sa loob ng isang taon, iyon ay nagawa nitong pagisahin ang sambayanan dahil sa pangako nitong pagbabago sa kabola ng mga negatibong pagkilos, pananalita, at asal na hindi pang Pangulo.