Cauayan City, Isabela- Nagtulong-tulong ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa isinagawang simultaneous coastal clean-up drive ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Sabado, ika-17 ng Setyembre taong kasalukuyan sa Brgy. San Antonio, City of Ilagan, Isabela.
Ang nabanggit na programa ng DENR ay bilang pakikipagkaisa sa selebrasyon ng International Coastal Clean-up 2022 na may temang “Fighting for Trash Free Seas Pilipinas”.
Kaisa sa paglilinis ng ilog sa lungsod ang mga ROTC Cadets; Army Reservists mula sa 202nd Community Defence Center (CDC), 2nd Regional Community Defense Group (2RCDG); at Ilagan City Police Station.
Layunin ng nasabing aktibidad na linisin ang pinagmumulan ng mga tubig na dumadaloy naman sa mga dagat ng ating bansa.
Facebook Comments