IBA’T IBANG AHENSYA, NAGKAISA SA GRAND PEOPLE’S PARADE PARA SA IKA-28 FOUNDATION ANNIVERSARY NG SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION

Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya sa San Fernando City, La Union sa isinagawang Grand People’s Parade bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-28 Cityhood Foundation Anniversary ng lungsod.

Dumaan ang parada sa kahabaan ng MacArthur Highway kung saan napuno ng masiglang musika at makukulay na presentasyon ang mga kalsada bilang pagpapakita ng pagkakaisa at kasiyahan ng mga kalahok.

Pinangunahan ang parada ng mga kawani ng Philippine National Police, kasabay ng dragon at lion dance presentation ng La Union Cultural Institute, at sinundan ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaang lungsod.

Nakiisa rin sa parada ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang paaralan at organisasyon na nagpakita ng kani-kanilang pagkamalikhain bilang bahagi ng selebrasyon.

Bahagi ang aktibidad sa serye ng mga programa para sa pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng cityhood ng San Fernando. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments