Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, puspusan sa paghahanda sa pagpasok sa bansa ng Bagyong Betty

Handa na ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa inaasahang pagpasok sa bansa ng Bagyong Betty.

Sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA),posibleng makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Mawar o Bagyong Betty, Byernes ng gabi o Sabado ng umaga.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) naka-alerto na 24 oras ang kanilang regional counterparts, maging ang iba’t ibang Local Government Units (LGU).


Nagpapatupad narin ng hakbang ang mga government agencies tulad ng emergency preparedness at response protocols kabilang na ang dissemination of warnings, preparation of relief assistance, deployment ng rescue teams at iba pa.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapag stockpile na ng halos 800,000 family food packs habang mayruon namang available na 110,000 mahigit na family food packs sa Disaster Response Centers, National Resource Operations Center at sa Visayas Disaster Resource Center.

Samantala, ang DILG naman ay inatasan na ang lahat ng regional directors nito na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils.

Kasunod nito, tiniyak ng NDRRMC na naka-monitor sila 24 oras sa lagay ng panahon at handa na saka-sakaling manalasa ang bagyo sa bansa.

Facebook Comments