Manila, Philippines – Sunud-sunod na naglabas ng travel advisories ang iba’t ibang bansa matapos ang pag-atake sa Resorts World Manila kahapon kung saan 38 ang kumpirmadong namatay.
Sa advisory ng US Embassy, pinaalalahanan nila ang kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas na maging alerto sa kanilang kapaligiran.
Nagpaabot rin ng pakikiramay si US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa pamilya ng mga biktimang nasawi sa pag-atake.
Sinabihan din ni United Kingdom Ambassador to Manila Asif Ahmad ang kanilang mga mamamayan na narito sa bansa na umiwas muna sa lugar kung saan nangyari ang insidente at sumunod sa mga kinauukulan.
Sa inilabas naman na travel alert ng Australia at Canada – pinayuhan nila ang kanilang mga mamamayan na posibleng maghigpit pa ng seguridad partikular sa Metro Manila.
Samantala – nagpahayag ng pakikiramay sina Australian Ambassador Amanda Gorely at Japanese Ambassador Kazuhide Ishikawa sa pamilya ng mga biktimang nasawi sa pag-atake.
DZXL558