Iba’t ibang bansa, nakilahok sa 10th annual earth hour

Manila, Philippines – Nakilahok ang iba’t ibang bansa sa isinagawang 10th annual earth hour ngayong taon kung saan pinatay nila ang ilaw sa mga sikat na landmark sa kanilang lugar.
 
Nanguna rito ang mga bansang Australia, Fiji at ilang mga bansa sa asya kabilang na ang Pilipinas.
 
Gamit ang hashtag #changeclimatechange, pinakita ng iba’t ibang mga bansa ang kanilang pakikibahagi para masolusyunan ang isyu na may kinalaman sa global warning.
 
Nagsimula noong 2007 sa australia ang earth hour sa pamumuno ng World Wildlife Fund (WWF) para malabanan ang man-made carbon dioxide emission na nagdudulot ng kakaibang init sa mundo.
 
Bukod dito, hinihikayat din ng WWF ang publiko na makiisa sa iba’t ibang mga climate actions tulad ng paggamit ng renewable energy, pagtaguyod sa sustainable food at agriculture, pagkakarooon ng mga climate-friendly na mga batas, pagsuporta sa mga conservation projects at pagbibigay kaalaman patungkol sa mga isyu na may kaugnayan sa klima.


Facebook Comments