Iba’t ibang Baril at Bala, Nasamsam sa Bahay ng Konsehal na Suspek sa Pagpatay

1302

Cauayan City, Isabela- Nasamsam ang ilang matataas na kalibre ng mga abril at bala sa mismong bahay ng konsehal na itinuturing na pangunahing suspek sa pagpatay sa apat (4) na Car Dealer sa Bayan ng Amulung, Cagayan.

Nakilala ang suspek na si SB Member Joey Bargado ng Amulung sa Cagayan.


Nagpalabas ng search warrant si kagalang-galang hukom Salvador Campos ng MCTC Amulung-Iguig kaugnay sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions).

Tumambad ang ilang uri ng baril na sinasbaing pag-aari ng konsehal na kinabibilangan ng *(1) unit Bush Master, caliber 223-5.56MM; isang (1) unit Shotgun 3”ch (76MM)-12 ga 20” Impactor; isang (1) unit Shotgun PARDUS SBX, P-18-A80233, 12GA 3” 12GA/C3” MAGNUM; dalawang (2) piraso magazines para Shotgun PARDUS SBX*, na may laman na sampung (10) live ammunition 12GA each; dalawampu’t isang (21) piraso ng live ammunition GA12 na nakalagay sa karton na may markang ARMSCORE; dalawang (2) piraso ng stainless magazines para caliber super 38 loaded with 12 live ammunition each.

Kabilang din ang isang (1) piraso ng long magazine na M16 loaded na may 25 piraso ng live ammunition; isang (1) piraso na short magazine para M16 loaded na may (15) live ammunition; isang (1) short defective magazine for M16; isang (1) piraso ng telescope with marked bashnell; dalawang (2) black bandoler na pang M16; dalawang (2) holster; isang (1) pistol belt; and dalawang (2) unit Airgun.

Agad na ipinasakamay sa pulisya ang mga nakumpiskang baril para sa imbestigasyon.

Sinampahan na ng 4 counts ng kasong pagpatay si SB Bargado kaugnay sa pagpatay sa 4 na Car dealer habang patuloy na inaalam ang kinaroroonan ng dalawa pang suspek na kasama sa krimen.




Facebook Comments