Repatriation sa stranded OFWs sa Qatar, inihahanda na ng DFA

66

Inihahanda na rin ng Philippine Embassy sa Doha ang pagpapauwi sa iba pang stranded Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Qatar.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang kailangan lamang gawin ng OFWs na nais umuwi ng Pilipinas ay makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas at sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) officers.


Una nang napauwi ng pamahalaan ang 278 OFWs sakay ng chartered flight ng Philippine Airlines (PAL).

Kabilang sa mga napauwi ang 28 na babaeng OFWs na nanuluyan sa temporary shelter sa Philippine Embassy sa Doha.

Facebook Comments