Iba’t ibang grupo at mga personalidad, patuloy ang pag-endorso kay VP Leni bilang susunod na pangulo habang papalapit ang May 9 presidential elections

Sunod-sunod ulit ang mga pag-endorso kay Vice President Leni Robredo bilang susunod na pangulo ng bansa.

 

Idineklara nina Jose Antonio ‘Toto’ Veloso na kandidato sa pagka-mayor ng Tagbilaran City sa Bohol at ang kaniyang buong team ang pagsuporta kay Robredo.

 

Pahayag nina Veloso, pinapakita ng pag-arangkada ni Robredo sa surveys, at ang kaniyang napakalalaking rallies na taglay niya ang lahat ng katangian ng isang alternatibong kandidato para sa mga mamamayan.


 

Dati nang inendorso nina Veloso ang kandidatura ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno pero nagpasya sila na mas si Robredo ang karapat-dapat nilang suportahan.

 

Ganito rin ang naging pahayag ng isang paksyon ng Partido Federal ng Pilipinas na pinangungunahan ni Ahubakar Mangelan.

 

Aniya, malakas ang laban ni Robredo dahil sa patuloy na pag-angat niya sa mga survey.

 

Nag-ikot si Robredo kahapon, April 25 sa Nueva Ecija para mangampanya.

 

Dito dineklara din ni Nueva Ecija first DISTRICT Representative Estrellita “ging” Suansing ang kaniyang suporta para kay Robredo.

 

Ang sabi ni Suansing, isang beses lang dadaan sa buhay natin ang isang Leni Robredo na parating handang tumulong sa mga nasa laylayan ng lipunan kaya huwag natin hayaan na lumipas ang pagkakataon na ito.

 

Suportado din si Robredo ng Philippine Basketball Association Legends at coaches na sina Yeng Guiao, Chot Reyes, Jojo Lastimosa, Olcen racela, at Johnny Abarrientos.

 

Nag-endorso rin para kay Robredo ang  Philippine Business for Education, anim na student councils din ng University Athletic Association of the Philippines o UAAP, at ang Education Nation, isang koalisyon ng mga organisasyon at education experts.

Facebook Comments