Ibat-ibang grupo, nagbigay pugay sa mga medical frontliners sa Bantayog ng mga Bayani bilang paggunita sa National Heroes Day

Nagbigay pugay ang ibat-ibang grupo sa mga medical frontliners na nagbuwis ng kanilang buhay para labanan ang pandemya ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Isinagawa ang programa sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Bayani.

Nag-alay sila ng dasal, bulaklak at mga pasasalamat na mensahe upang alalahanin ang sakripisyo ng mga frontliners sa panahon ng pandemya.


Umaapela sila sa pamahalaan na dagdagan ang benepisyo ng mga medical frontliners upang masuklian naman ang kanilang sakripisyo para sa bayan.

Facebook Comments