DOH, nagbabala sa publiko sa paglalabas ng pangalan ng COVID patients

Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) kasunod ng paglabas sa social media ng ilang pangalan ng mga sinasabing pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, paglabag sa Data Privacy Law ang pagpo-post sa social media ng mga pangalan ng pasyente.

Aniya, dapat nang matigil ang stigma na dulot ng paglalabas ng mga pangalan ng COVID patients.


Bukod dito, dapat din aniyang igalang ang iba pang karapatan ng mga pasyente at iwasan ang diskriminasyon sa kanila.

Facebook Comments