Manila, Philippines – Naniniwala si dating Senador Bongbong Marcos na nagsimula nang gumalaw ang sabwatan ng ibat ibang grupo para ibagsak si Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyan diin ni Marcos na mapapansin na ang organisadong pagkilos para siraan si Duterte.
Gayunman, naniniwala siya na hindi magtatagumpay ang anumang destabilization plot dahil buo pa rin ang pagtitiwala ng taumbayan sa pangulo batay na rin sa mga resulta ng Survey.
Sinabi pa ni Marcos na ang mga grupong ito ay hindi naglilingkod sa interes ng sambayanan namumulitika dahil nais nilang makabalik sa kapangyarihan.
Tiwala pa rin ang taumbayan sa mga programa ni Duterte partikular ang kaniyang war on drugs.
Facebook Comments