Iba’t ibang grupo ng Muslim sa Davao City, nagpahayag ng suporta sa martial law sa Mindanao

Davao, Philippines – Binatikos ng National Moro Liberation Front Davao City at ng anim na tribo ng Muslim sa lungsod ang iilang matataas na opisyal ng gobyerno at ang mga oligarchs ng imperyalista ng maynila dahil sa pagtutol ng martial law dito sa Mindanao.

Ayon kay MNLF Davao City Head Rolando Amid, walang karapatan ang taga-Luzon para hadlangan ang batas militar dahil kung tutuusin ay sumasang-ayon ang mga taga-Mindanao sa deklarasyon ni Presidente Rodrigo Duterte.

Naghanap lang daw ng isyu ang kontra partido laban kay Pangulong Duterte gamit ang batas militar ngunit kung tutuusin, tama naman daw ang hakbang ng punong ehekutibo dahil may banta sa terorismo dito sa Mindanao.


Naniniwala si Rolando Amid na hindi mag-aabuso ang militar habang nasa batas militar ang Mindanao kaya sinabi nito na syento por syento suportado nila ang martial law ni Pangulong Duterte taliwas sa paniniwala ng mga kritiko na may planong pabagsakin ang Administrasyong Duterte.
DZXL558,*Joel Viray *

Facebook Comments