Labi ng sundalong nabaril patay sa Marawi City, dumating na sa Dumaguete

Dumaguete, Philippines – Dumating na ang labi ng miyembro ng Philippine Army na napatay ng snipper sa Marawi City kahapon na si 2lt. Mcglenn Abuyabor, 28, sa Dumaguete City Airport sakay ng Nomad.

Si PO1 Abuyabor kapatid ng nasawi sa interview ng #DYWCRMN, ay napaiyak ng sinabi na halos hindi nila matanggap ang pagkamatay ng kaanak na sundalo.

Sinabi nito na natamaan ng dalawang beses ang katawan ng kapatid niyang sundalo sa pagbaril ng snipper na Maute.


Hihingi ngayon ng tulong ang kamag-anak ng biktima sa pamahalaan at sa Pangulong Duterte na mabigyang hostisya ang pagkasawi ni 2LT. Abuyabor.

Magbigay rin ng tulong ang pamahalaan sa lungsod ng Bais kung saan taga rito ang nasawing sundalo.
DZXL558

Facebook Comments