Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy. Kag. Joseph Cortez, layunin ng exhibit na ipakilala ang iba’t ibang titulo ng Birheng Maria at upang magkaroon ng malalim na debosyon ang bawat isa gayundin na mailapit ang puso ng bawat isa sa Ina ng Panginoon.
Kasabay nito, nagdaos rin ng Misa ng pasasalamat na dinaluhan ng maraming deboto.
Magdaraos rin ng Awit at Panalangin para kay Inang Maria mamayang gabi na inaasahang dadagsain rin ng mga mananampalataya.
Labis naman ang pasasalamat ni Cortez sa mga indibidwal na nagpahiram ng mga imahe ng Birhen para sa kanilang exhibit.
Mensahe naman nito sa lahat na makatulong ang exhibit para sa matatag na pananampalataya ng bawat isa at muling lumapit sa Panginoon sa pamamagitan ng pagdedebosyon.
Umaasa naman ang ilang deboto na masusundan pa ang ganitong aktibidad upang mas lalong maiparamdam ang halaga ng kabutihan ng Diyos sa buhay ng bawat tao.