Manila, Philippines – Dagsa na ang mga namimili ng bulaklak sa Dangwa Sampaloc sa lungsod ng Maynila.
May mga ilan na bumibili ng maramihan para ibenta sa kanilang lugar habang ang iba naman sigurista at ngayon na bumili ng bulaklak dahil bukas inaasahang mas magmamahal pa ang presyo nito.
Kasabay nyan nagbigay ng gabay ang ilang tindera ng bulaklak sa Dangwa para mas maging sakto at makahulugan ang pagreregalo sa Valentine’s Day.
Kapag nakatanggap ng kulay dilaw na bulaklak, nangangahulugan ito ng pagmamahal sa kaibigan.
Kung kulay orange naman, nafa-fall o nai-inlove na si guy dahil ang kulay dilaw ay nahahaluan na ng kulay pula,
Ganyan naman talaga dahil dapat sinisimulan sa pagkakaibigan bago mauwi sa kasintahan.
Sa pulang bulaklak tulad ng rosas, tradisyonal na simbolo ng pag-ibig kaya at kay sarap sabihin ng salitang ‘I love you’ sabay abot ng pulang rosas.
Kapag puting bulaklak nangangahulugan ito ng sincerity, purity o malinis ang intensyon sa binibigyan.
Ang puting rosas din ang ginagamit sa kasal na ang ibig sabihin ay new beginning.