Iba’t ibang karamdaman ng mga inmates sa panahon ng tag init, minomonitor na ng Bureau of Jail Management and Penology

Mahigpit nang minomonitor  ng Bureau of Jail Management and Penology ang lahat ng bilangguan sa bansa na nasa kanilang pangangasiwa  ngayong panahon ng tag init.

 

Nais makatiyak ang BJMP na   maayos ang mga ventilation  at suplay ng tubig na kinakailangan ng mga bilanggo.

 

Ayon kay BJMP Spokesman Jail Chief Inspector Xavier Solda naging abala na din ang bawat  medical team ng jail facilities para bantayan  ang mga bilanggo sa kanilang karamdaman.


 

Base sa historical data , nagkakaroon ng iba’t ibang karamdaman ang mga inmates kapag tag init at  nagpapahirap pa sa kanila ang siksikan sa mga pasilidad kaya mabilis ang pagkalat ng sakit.

 

Disyembre pa lang noong 2017 nag order na ng mga gamot at iba pang medical supplies ang bjmp bilang paghahanda sa pagpasok ng tag init.

 

sa ngayon nasa 136 libo ang mga inmates na nasa pangangalaga ng BJMP.

Facebook Comments