Manila, Philippines – Pinaigting ng Eastern Police District ang paghahanda sa nalalapit ng Undas 2018, upang bigyang seguridad ang publiko na dadalaw sa 15 sementeryo na nasasakupan ng Metro East kung saan 12 personalidad na may ibat ibang kaso at 833 na katao na lumabag sa ibat ibang Ordinansa ang inaresto ng mga otoridad.
Ayon kay EPD Distict Director Chief Supt.Bernabe Balba ang pagkaaresto ng 12 personsonalidad kabilang ang top 6 Most Wanted Person na naaresto sa pinagsamang pwersa ng mga operatiba ng Eastern Police District ang Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan City Police Station kung saan nakumpiskahan ng 22 pirasong plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang “Shabu” at Php 1,000.00 buy-bust money mula sa 5 drug suspects habang ang 4 na personsonalidad ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest; at ang 2 katao ay naaresto dahil sa physical injuries; at ang 1 ay may kasong robbery.
Paliwanag ni Chief Supt. Balba ang naturang operasyon ay bilang paghahanda
at mapigilan ang anumang mga kaguluhan sa darating na Undas 2018.
Hinikayat din ni Balba ang lahat ng Chiefs of Police ng Pasig, Mandaluyong, Marikina, San Juan City Police Station at District Mobile Force Battalion na atasan ang kanilang mga tauhan na magsagawa ng anti-drug and anti-criminality campaigns habang papalapit na ang Undas 2018.