IBA’T IBANG KASO | Higit 100 indibidwal, arestado sa ikinasang anti-criminality operation sa Caloocan

Caloocan – Umaabot sa 117 indibidwal ang naaresto sa ikinasang anti-criminality operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Caloocan.

Kabilang sa mga nahuli ay mga umiinom sa klasada, naglalakad ng walang saplot sa pantaas, at nagsusugal.

Habang isa ang nahuling sangkot sa pagnanakaw ng kotse at apat naman ang nakuhanan umano ng iligal na droga.


Nasa 43 menor de edad naman ang nahuli kahit lagpas na ng curfew.

Haharap ngayon sa mga karampatang kaso ang mga nahuli habang dadalhin naman sa pangangalaga ng DSWD ang mga menor de edad na hindi susunduin ng magulang.
<#m_8925346195015359892_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments