Iba’t ibang militanteng grupo, nagkilos-protesta sa Kampo Aguinaldo ilang araw bago ang SONA ni PBBM

Tatlong araw bago ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nagkilos-protesta sa Kampo Aguindalo ang iba’t ibang militanteng grupo.

Ayon sa grupong BAYAN, panawagan nila ang pagpapalutang sa apat na aktibista na nawawala matapos umanong arestuhin ng mga awtoridad.

Kabilang dito sina Alipio ‘Ador’ Juat, Elizabeth ‘Loi’ Magbanua, Ma. Elena ‘Cha’ Cortez, at Elgene Mungcal.


Giit ng grupo, ang patuloy na pagkawala ng mga aktibista ay patunay lamang na nalalabag ang Anti-Enforced o Involuntary Disappearance Act at ang 2010 International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance.

Para sa grupo, ang enforced disappearance ay kahalintulad noong panahon ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. na hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Bongbong Marcos ay nangyayari.

Ang nasabing kilos protesta ay patikim pa lamang ng BAYAN at ng iba’t ibang mga militante na magwewelga sa SONA ni PBBM sa Lunes, Hulyo 25.

Facebook Comments