Iba’t ibang militanteng grupo, nagsagawa ng kilos-protesta sa COMELEC

Nagkasa ng kilos-protesta ang ilang militanteng grupo mula sa Timog-Katalugan upang ipanawagan na idiskwalipika si dating senador Bongbong Marcos, sa pagtakbo nito sa pagkapangulo sa darating na 2022 Elections.

Paraan din ito para ipakita nila ang kanilang suporta kay Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon, na una ng naghayag na bumoto siya para ipa-disqualify si Marcos.

Bukod dito, panawagan rin nila na huwag ng hayaan pa na maupo muli sa pamahalaan ang isa pang Duterte.


Nagkaroon naman ng sagutan ang ilang miyembro ng militanteng grupo sa mga vlogger na sumusuporta naman kay Marcos.

Agad naman nakontrol ng mga tauhan ng Manila Police District Station-5 ang sitwasyon at mapayapang natapos ang rally ng mga militanteng grupo.

Facebook Comments