Mga naarestong lumabag sa gun ban, mahigit 500 na ayon sa PNP

Nadagdagan pa ang bilang ng mga naarestong indibidwal na lumabag sa umiiral na election gun ban.

Sa datos mula sa Philippine National Police (PNP) as of 6 am ngayong February 2, 2022, umabot na sa 583 ang mga gun ban violator na naaresto.

Ito ay matapos na madagdag ang 16 na naarestong indibdiwal kahapon.


Samantala, sinabi rin ng PNP na 40,718 checkpoints na ang kanilang nagawa mula noong simula noong January 9, 2022.

Ang gun ban ay tatagal hanggang June 8, 2022.

Facebook Comments