Iba’t ibang militanteng grupo, nagsasagawa ng kilos-protesta sa Chinese consulate kaugnay sa pambu-bully ng China sa WPS

Sumugod ngayong umaga sa harap ng Chinese consulate sa Makati City ang iba’t ibang militanteng grupo kaugnay sa pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Hindi naman makalapit ang nasabing mga grupo dahil nakabantay ang Makati City Police para matiyak ang kapayapaan sa isinasagawang rally.

Hinihiling ng mga nasabing grupo na itigil na ang panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino sa WPS kasunod na rin ng sunod-sunod na tensyon sa pagitan ng Chinese Coast Guard (CCG) at ilang mangingisdang Pinoy.


Kabilang sa mga sumugod ngayon ay grupo ng Pamalakaya o National federation of small fisherfolk organization, Bayan at Kilusang Mayo Uno.

Dito, iprinisinta ng mga nasabing grupo ang huling pangha-harass ng China sa mga Pinoy.

Facebook Comments