IBA’T IBANG ONLINE SERVICES SA BAYAN NG MALASIQUI, PORMAL NANG INILUNSAD

Pormal nang inilunsad sa bayan ng Malasiqui ang makabagong serbisyo na makakatulong sa mga nasasakupan nitong mga residente kahapon, ika-8 ng Hunyo.
Ipinakilala na sa publiko ang iba’t ibat online services gaya na lamang ng Business Permit & Payment System at Real Property Tax Billing & Payment System kung saan maaari nang ma-avail ito sa pamamagitan ng mga teknolohiyang gamit ng residente kahit anong o kahit saan.
Layunin ng naturang paglulunsad na ito ay upang mapabilis ang transaksyon ng mga residente sa pagbabayad ng mga buwis ng kanilang mga ari-arian.
Naging matagumpay ang paglulunsad nito dahil nakipag-partnership ang LGU sa mga kumpanya gaya na lamang ng Lexsys Technologies Inc. at ng Landbank of the Philippines.
Ayon naman sa kinatawan ng Landbank, mayroon lamang P7 na babayaran sa kada transaksyon bilang transaction fee.
Samantala, sa naging forum, sinabi ng alkalde na dadalhin ng kanyang mga kasama sa LGU ang ukol sa online services sa mga bara-barangay upang maabot at maipaalam sa mga nasasakupan nito ang bagong serbisyong ito para sa convenience ng bawat residente.
Sa ngayon, available na at maaari ng bisitahin ang portal na ito sa link na online.malasiqui.gov.ph/Malasiqui/OnlineServices/.
Facebook Comments