Matapos mapakinggan ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang panawagan ng iba’t-ibang local officials na huwag na munang pahintulutan ang pagsasagawa ng religious activities at alinmang mass gatherings kahit pa sa mga lugar na nasa ilalim na ngayon ng General Community Quarantine (GCQ).
Binawi na ng IATF ang kanilang naunang desisyon na nagpapahintulot sa pagdaraos ng religious activities sa mga lugar na sakop ng GCQ.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, pinutakte kasi sila ng apela ng mga gobernador at mayors na sasa ilalim ng GCQ na huwag na munang payagan ang ganitong mga religious activities dahil dadagsain ito ng mga mananampalataya at posibleng sumirit muli ang kaso ng COVID-19.
Kaugnay nito, sinabi ni Roque na kanila namang nakonsulta ang lahat ng religious leaders sa bansa at sumang-ayon ang lahat na bawiin muna ang panuntunang nagpapanumbalik ng religious gatherings.