Iba’t ibang sakit, kakalat sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Odette kung hindi matutugunan ang kawalan ng malinis na tubig

Ibinabala ni Presidential aspirant Senator Manny Pacquiao ang posibleng pagkalat ng water-borne and sanitation-related diseases sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette.

Sabi ni Pacquiao, mangyayari ito kung hindi matutugunan ng gobyerno ang problema sa kawalan ng malinis na tubig na sanhi kaya hirap mapanatili ang kalinisan sa mga komunidad at evacuation centers na tinamaan ng kalamidad.

Inihalimbawa ni Pacquiao na mga sakit na maaring umusbong at kumalat sa nabanggit na mga lugar ang cholera, diarrhea, dysentery, hepatitis A, typhoid, at polio.


Sa impormasyong nakarating kay Pacquiao, dahil sa kawalan ng malinis na tubig ay napipilitan ang mga biktima ng kalamidad na inumin ang mga tubig na para lang sa paglilinis at pagliligo.

Nabatid din ni Pacquiao ang kawalan ng palikuran at mga portalets sa mga evacuation centers na higit na sanhi ng pagdumi ng kanilang kapaligoran.

Para makatulong ay naghahanap si Pacquiao ng supplier’s ng water filtration systems na magagamit para linisin ang tubig sa mga evacuation centers at komunidad na salat ngayon sa pagkukunan ng tubig na maaring inumin.

Bunsod nito ay plano din ni Pacquiao na bumili ng mga portable toilet systems na gumagamit ng kemikal para gawing organic materials ang mga dumi mula sa tao.

Facebook Comments