Bumuhos ang mga tao kahapon sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila na huling weekend bago isara ang mga sementeryo sa publiko.
Batay sa tala ng Manila Police District (MPD), umabot sa 20,482 ang mga nagtungo sa
Manila North Cemetery nitong linggo.
Sa nasabing bilang, nasa 100 ang hindi pinapasok dahil mga menor-de-edad at mga senior citizens.
Sa kabila naman ng paulit-ulit na paalala ng pamunuan ng sementeryo ay aabot sa 1,000 ipinagbabawal na gamit tulad ng; baraha, kutsilyo, sound system at lighter ang nakumpiska.
Matatandaang una nang sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na sarado ang lahat ng sementeryo sa buong bansa simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao at pagkahawahan ng COVID-19.