Iba’t-ibang transport group, magsama-sama kontra JAO

Nagsama-sama ang mga boses ng iba’t-ibang lider transportasyon hinggil sa kalabisan ng ipinatutupad na Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01.

Ito ang nagkakaisang hinaing ng mga asosasyon galing sa industriya ng bus, UV, express, jeepney matapos silang humarap kay Atty. Clarence Guinto, Head ng LTO-NCR.

Ito’y upang pag-uusapan na maibalik ang mandatory drug testing sa lahat ng mga drayber ng Public Utility Vehicle o PUV.


Sa ilalim ng JAO 2014-01, tinaasan ang multa at parusa sa mga paglabag sa batas sa land transportation.

Layunin nito na madisiplina ang mga drivers ng PUV at maiiwasan ang road accidents, maresolba ang traffic at natukoy ang mga unregistered or “colorum”.

Napagkaisahan ng mga transport group na hilingin sa Kongreso na ipatigil ang implementasyon ng JAO.

Ayon kay Ka-Lando Marquez ng Liga ng Transportasyon at mga Operators ng Pilipinas o LTOP, dapat na ibalik na lamang ang orihinal na batas o ang Republic Act 4136.

Hindi kasi, aniya, dumaan sa konsultasyon ang JAO dahil nang aprubahan ito ay pinalitaw na sang ayon ang lahat ng transport groups.

Ginamit pa, aniyang, ang mga pirma nila sa isang attendance meeting para gawing lehitimo ang JAO.

Sinabi naman ni Obet Martin, president Pasang Masda na isa, aniyang, legal extortion scheme ang JAO dahil labis-labis ang mga ipinataw na multa sa nirebisang penalties kada traffic violation.

Halimbawa na lamang aniya ang violation sa defective signal light na dating may multang 250 sa ilalim ng noon ay Republic Act 4136 ay itinaas sa limang libo.

Aniya, masyadong nagiging gatasan ang mga PUV drivers dahil may kanya-kanyang patakaran ang Local Government Units (LGUs), Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) gayong ang Republic Act 4136 din ang kanilang basehan sa panghuhuli.

Sinabi naman ni Zenaida Maranan, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), na hindi na sila papayag na magpatuloy ang ganitong sobrang panggagantso.

Under the JAO colorum bus operators will be fined P1 million; truck and van operators, P200,000; sedan operators, P120,000; jeepney owners, P50,000; and motorcycle operators, P6,000. It likewise covers “other PUV-related violations like refusal to convey passengers to their destination; overcharging; employing reckless, insolent, discourteous or arrogant drivers; operating PUVs with defective parts; using tampered taximeters; and trip cutting. Each violation has corresponding fines and penalties as specified in the order.”

The JAO specifies that LTFRB will create a nationwide task force composed of LTFRB and LTO enforcers who are the only ones authorized to apprehend violators of said offenses, thus excluding any other LGU traffic personnel or even enforcers of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Facebook Comments