Nakatakdang bumili ng COVID-19 vaccine ang iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa bansa para sa kanilang mga estudyante at faculty members.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera, isinangguni na nila ang plano kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Nakatakda namang makipagpulong ang CHED sa health experts ngayong linggo upang pag-usapan ang maayos at mabisang paraan para isagawa ang pagbabakuna.
Sa ngayon, itinanggi ni De Vera ang diskriminasyon ng ahensya sa mga estudyante at institusyon kung saan iginiit nito na karamihan sa mga faculty members ay pasok sa A1 hanggang A3 priority.
Facebook Comments