Iba’t ibang wildlife species mula Malaysia, nasabat sa NAIA

Nasabat ng Bureau of Customs, Port of NAIA at Wildlife Traffic Monitoring Unit (WTMU) ng Department of Environment and National Resources (DENR) ang iba’t ibang wildlife species.

Naaresto rin ng mga otoridad ang claimant ng naturang package sa FedEx Warehouse sa Pasay City.

Nabatid na ang naturang parcel na mula sa Kuala Lumpur, Malaysia ay ideneklarang “lego toys” o mga laruan.


Gayunman, nang ito ay idaan sa examination, natuklasan na ang laman ay 20 piraso ng sulcata tortoise, 10 piraso ng razorback turtle, isang pulang bearded dragon, 2 corn snakes, at 8 savanna lizards na itinago sa mga laruan.

Ang naarestong claimant at iba pang sangkot sa nasabing importasyon ay mahaharap sa mga kasong Illegal importation of Wildlife species sa ilalim ng Section 1113 in relation to Section 117 at 1401 ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act”, gayundin ang kasong paglabag sa Sec. 27 ng RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”

Facebook Comments