Iba’t ibang Yunit at Indibidwal na mga Sundalo, Paparangalan sa Ika-38 Anibersaryo ng 5ID Ngayong Araw!

88

Gamu, Isabela- Bibigyan ng pagkilala ang iba’t ibang unit at indibidwal na mga sundalo ngayong araw bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-38 anibersaryo ng pagkakatatag ng 5ID Star Division.

Sa paunang impormasyon na nakalap ng 98.5 RMN Cauayan kay 5DPAO Army major Noriel Tayaban, aniya alas otso y media ng umaga magsisimula ang programa na pangungunahan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na siyang panauhing pandangal sa nasabing okasyon.


Dagdag pa ni Major Tayaban bukod sa mga sundalo ay mayroon din umanong piling sibilyan at ilang ahensya ng pamahalaan ang binigyan ng pagkilala dahil sa kanilang naging kontribusyon upang mapanatili ang maganda at maayos na tungkulin ng mga sundalo at naging dahilan din upangt mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa nasasakupan ng 5ID sa kabila ng sunud-sunod na engkwentro ng mga kasundaluhan laban sa kaaway ng pamahalaan.

Facebook Comments