Tagumpay ng 4Ps law, nakasalalay sa bubuuing IRR

190

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang tamang pagpapatupad sa batas kaugnay sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps law.

Diin ni Recto, makakamit ito kung ang bubuuing Implementing Rules and Regulations o IRR ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ay umaayon sa itinatakda ng 4Ps law.


Paliwanag ni Recto, marami mga batas na magaganda ang pagkagawa pero nadidiskarel pag lumabas na ang IRR dahil lihis sa intensyon ang ginagawang implementasyon.

Kaya hiling ni Recto sa DSWD, siguraduhin sa IRR na totoong pakikinabangan ng mga pinakamahihirap na Pilipino ang kalahating trilyong piso na pondo para sa 4Ps law.

Facebook Comments