
Pinaalalahanan ng LGU San Carlos ang publiko na pairalin ang ibayong pag-iingat laban sa sunog kasabay ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong Marso.
Alinsunod sa Proclamation No. 115-A, hinikayat ang lahat na maging mapagmatyag upang maiwasan ang insidente ng sunog sa komunidad.
Kabilang sa mga paalala ang regular na pag-check ng electrical wiring at appliances, pag-iwas sa pag-o-overload ng mga saksakan, pagtiyak na patay ang kalan matapos gamitin, at paglalayo ng posporo at lighter sa mga bata.
Ibinahagi rin ng lungsod ang mga emergency hotline na maaaring tawagan sakaling may insidente ng sunog, kabilang ang national hotline na 911 at mga lokal na numero ng San Carlos City.
Patuloy naman ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa publiko na manatiling alerto at maingat upang maiwasan ang sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










