Ibayong pag-iingat sa mga paaralan na kalahok sa face-to-face classes, iginiit ni Senator Gatchalian

Pabor si Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin “Win” Gatchalian na palawigin pa ang pilot implementation ng limited face-to-face classes.

Pero giit ni Gatchalian, dapat paigtingin at ipagpatuloy ang pag-iingat lalo’t patuloy na tinututukan ang banta ng COVID-19 Omicron variant.d face-to-face classes kung saan 28 paaralan ang nasa National Capital Region (NCR).

Mungkahi ni Gatchalian, dapat kasabay ng unti-unting pagbubukas ng mga paaralan ang mas mabilis na pagbabakuna ng mga guro at mga mag-aaral na nasa tamang edad.


Suhestyon din ni Gatchalian na dapat ipagpatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standards at simulan ang regular na COVID-19 testing para sa mga guro.

Facebook Comments