Ibayong pagbabakuna, solusyon sa pagkalat ng polio at iba pang sakit

105

Iginiit ni Senator Pia Cayetano sa Department of Health o DOH na paigtingin pa ang paghikayat sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Pahayag ito ni Cayetano, kasunod ng deklarasyon ng DOH ng polio epidemic sa Pilipinas.


Nakakaalarma para kay Cayetano na nawala na ang polio-free status na hawak ng ating bansa sa loob ng 19 na taon simula noong taong 2000.

Naniniwala si Cayetano, na hindi pa rin nananatili pa rin ang takot ng mga magulang sa bakuna bunga ng kontrobersya na idinulot ng isyu sa dengvaxia.

Bukod sa DOH ay pinapakilos din ni Cayetano ang mga lokal na pamahalaan para maglunsad ng information drive ukol sa kahalagahan ng bakuna.

Facebook Comments

From Advertisers