Ilang bilanggo sa Bilibid, nagiging killer ng mga nakabilanggong drug lord

411

May impormasyon si Senate President Tito Sotto III na may mga bilanggo sa New Bilibid Prison ang ginagawang assassin o killer ng mga nakakulong na drug lord.

Sa pagkakaalam ni Sotto, malayang nakakalabas at nakakapasok ang inmate kapag may ipapapatay ang drug lord sa labas ng kulungan.


Ayon kay Sotto, mayroon pa umanong inuutusang pumatay ng mga pulitiko.

Sabi ni Sotto,  bukod pa ito sa ibang criminal activities na ginagawa umano ng mga drug lord sa Bilibid tulad ng illegal drug trade, at kidnapping.

Diin ni Sotto, lahat ng ito ay naisasakatuparan ng mga drug lord dahil nababayaran umano nila ang mga bantay sa Bilibid.

Facebook Comments

From Advertisers