IBIBIGAY | 25 hectares ng Agricultural land sa Boracay, ipamamahagi na ng DAR sa mga katutubong magsasaka

Aklan – Natukoy na ng Department of Agrarian Reform ang unang batch ng agricultural land na maaring ng maipamahagi sa mga katutubong magsasaka sa isla ng boracay matapos ang 90 araw.

Ayon kay Atty David Erro, DAR Undersecretary, nasa mahigit dalawamput ektaryang ng agricultural land sa tatlong brgy ng Brgy Yapak, Balabag at Manocmanoc ang maari nang maipamahagi sa may walumpu o 80 indibidwal na pawang mga katutubo.

Ito ay mula sa kabuuang 600 hectares na agriland na idineklara ni dating Pangulo at ngayon congresswoman Gloria Arroyo sa Isla ng Boracay.


Idinagdag ni Atty Erro na sa sa propos5e executive order na isinumite ng DAR kay pangulong Rodrigo Duterte, isang kilometro mula sa aplaya ang puwedeng ideklara tourism spot para maisalba pa rin ang pa rin turismo sa Boracay.

Pero ang lahat ng mga gusali na nakapaloob sa Tinukoy na land reform areas ay ipagigiba para mapakinabangan sa agrikultura na aktibidad.

Facebook Comments