Manila, Philippines – Ipamamahagi na lamang ng Bureau of Customs ang mga inabandonang kargamento at mga nasabat na produkto ng ahensiya na resulta ng Anti-Smuggling Campaign.
Kaugnay nito, inutos ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang pagpapalabas ng 7,000 sako ng biga mula sa Port of Cebu upang maging donasyon sa libu-libong pamilyang sinalanta ng bagyong Ompong.
Bukod sa saku-sakong bigas, ipamamahagi na rin ng Customs ang 109 na package na naglalaman ng mga kumot, 153 na package ng mask, 350 na kahon ng bedsheets, kumot at tuwalya at 1,332 kahon ng mga damit.
Ayon pa kay Lapeña, mayroon ding 6,921 na bags ng malagkit mula sa Port of Zamboanga ang ipamimigay ng ahensiya sa mga sinalanta ng bagyong Ompong.
Facebook Comments