IBINABALA | No-el issue, posibleng magdulot ng pangamba sa mga negosyante

Manila, Philippines – Ibinabala Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na posibleng maghatid ng takot sa mga mamumuhunan ang usapin kaugnay sa posibleng pagpapaliban sa 2019 senatorial at local elections.

Reaksyon ito ni Senator Zubiri sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mas magiging praktikal kung isususpende ang 2019 elections.

Ito ay para bigyang daan ang pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong federalism.


Giit ni Zubiri, sa halip na pagusapan ang no-el ay mas makabubuting talakayin muna ang mga ammendements na ilalapat sa ating konstitusyon para mabigyang daan ang pederalismo.

Ayon kay Zubiri, dapat mapag-aralang mabuti ang draft ng federal charter na binuo ng Consultative Committee (Con-Com) dahil hindi biro ang gagawing pagpapalit sa sistema ng ating pamahalaan.

Facebook Comments